Unang Biñan Rizal Youth Leadership Institute Idinaos

Redwood Waterpark to operate on April
March 17, 2018
Go Forward Pupils Graduated Pre-school
March 23, 2018

March 21, 2018 – Pinasimulan ng Junior City Officials (JCO) at Youth and Sports Development Office (YSDO) kasama ang Saint Michael’s College of Laguna (SMCL), ang 1st Biñan Rizal Youth Leadership Institute: The Young Rizals and the Quest for Unity Amidst Cultural Diversity na ginanap sa St. Theodore Hall, SMCL. Ito ay upang ipagpatuloy ang kadakilaan ng ating Pambansang Bayani, Dr. Jose Rizal. Dinaluhan ito ng ating butihing City Mayor, Atty. Walfredo R. Dimaguila, Jr., na nagbahagi ng kanyang paboritong wika ni Elias sa Noli Me Tangere, “Mamatay man akong hindi nasisilayan ang maliwanag na pagbubukang liwayway sa aking Inang Bayan, kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag niyong kalimutan ang mga taong nalugmok sa dilim ng gabi.” Idinagdagdag pa nya na ang pinakamagandang pagkilala sa ating bayani ay pagiging mabuting mag-aaral at mamamayan ng ating lungsod.more photos