Tulong Pinansyal sa mga nasunugan sa Barangay Sto.Domingo

Sunog sa Purok 2 P.Burgos, Barangay, Sto.Domingo
January 18, 2017
Youth Forum 2017
January 25, 2017
Sunog sa Purok 2 P.Burgos, Barangay, Sto.Domingo
January 18, 2017
Youth Forum 2017
January 25, 2017

Pinangunahan ni City Mayor Atty. Arman Dimaguila, Jr., ang pagbibigay ng tulong pinasyal sa mga nasunugan na isinagawa sa Brgy. Hall ng nasabing Barangay. Mula sa datos ng CSWD Biñan, meron humigit kumulang limangpu at dalawa (52) apektadong residente, na may kabuuang 15 pamilya at 9 na bahay ang natupok ng sunog. Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Biñan ang mabilisang pagtugon sa pangangailangan ng mga nasunugan, kung kaya’t naglaan ng kaukulang budget para dito at personal na ibinigay nila City Mayor Atty. Arman Dimaguila, Jr., kasama rin po sa pagaasikaso sila Congresswoman Marlyn Alonte Naguiat, City Vice Mayor Gel Alonte at mga City Councilors ng ating Lungsod na sila Kgg. Liza Cardeño, Kgg. Alvin Garcia, Kgg. Monching Carrillo, Kgg. Jigcy Pecaña at Kgg. Echit Desuasido. Nakatanggap ng sampung libong piso (P10,000) ang mga lehitimong may-ari ng bahay na nasunog at limang libo piso (P5,000) sa mga umuupa lamang na residente Sa mga susunod na araw ay inihahanda at ipapamahagi na rin ang mga pangunahing materyal na bagay na magagamit ng mga nasunugang pamilya ditto sa Barangay Sto. Domingo. More Photos