Binisita ng Ama ng Lungsod, Mayor Arman Dimaguila ang isinasagawang Serbisyong Arman Caravan sa Brgy. Timbao ngayong umaga. Mga Biñanense mula sa Brgy. Timbao at Malamig ang makatatanggap ng mga libreng serbisyo tulad ng dental services, check-up, blood typing, anti-pneumonia vaccine, Covid vaccine at booster, tuli, job fair, registration and correction of birth certificate, anti-rabies vaccination at deworming, pamamahagi ng seedlings at fertilizers at pamimigay ng soya drink at Biñan buns.