SERBISYONG ARMAN CARAVAN ang handog ni Mayor Arman Dimaguila para sa mga Biñanense mula sa Brgy. Malaban at Brgy. Casile sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Iba’t-ibang libreng serbisyo mula sa pamahalaang panlungsod ang dala ng naturang caravan tulad ng check-up, bunot at linis ng ngipin, covid-19 vaccine at booster, flu vaccine, blood typing, pagsasaayos ng birth certificate at late registration, pamamahagi ng gamot at vitamins, pamimigay ng mga seedlings at halaman, at anti-rabies vaccine at deworming sa mga aso’t pusa. Nakatanggap din ang mga Biñanense ng libreng soya milk, Biñan buns at bigas. | October 8, 2022