
𝗣𝘂𝘁𝗼 𝗟𝗮𝘁𝗶𝗸 𝗖𝗼𝘀𝘁𝘂𝗺𝗲 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻
May 15, 2026
Opisyal nang binuksan ang Puto Latik Festival
May 15, 2026Tampok ang makulay at masiglang pagtatanghal ng labing-isang (11) barangay sa ginanap na Puto Latik Street Dancing Competition kagabi, Mayo 15, sa Biñan Plaza bilang bahagi ng pagdiriwang ng Puto Latik Festival.
Ipinamalas ng bawat grupo ang kanilang husay sa sayaw, kasuotan, at malikhaing presentasyon na lalong nagbigay-buhay sa selebrasyon.
Itinanghal bilang kampeon ang Brgy. Malaban matapos ang kanilang natatanging pagtatanghal. Kinilalang 1st Runner-up ang Brgy. Sto. Domingo, at 2nd Runner-up naman ang Brgy. Canlalay.
Samantala, pinarangalan bilang Best in Parade ang Brgy. Sto. Domingo, at Best in Costume naman ang Brgy. Canlalay.




