
𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗
May 4, 2026
Magkatuwang na nagsagawa ang ICTO at CHRDO ng 3-Day Skills Training (Intermediate-Advanced Excel at Canva 101) sa Tech4Ed Center
May 5, 2026Pinangasiwaan ng Youth and Sports Development Office (YASDO) ang isinagawang benchmarking activity ng Local Youth Development Office ng Lungsod ng Imus sa Lungsod ng Biñan ngayong araw, May 05.
Ibinahagi ng YASDO ang mga bago at pangunahing programa, proyekto, at serbisyong pangkabataan at pang-isports ng lungsod, kabilang ang Gel Young Leaders Academy, Biñan Youth Journalists’ Club, SIKLAB, Youth Advocates Network at marami pang iba na nagbigay parangal sa kanila bilang Most Outstanding Local Youth Development Office.
Bahagi rin ng aktibidad ang pagbisita ng delegasyon sa mga pasilidad ng YASDO upang masaksihan ang aktwal na pagpapatupad ng mga programa. Layunin ng aktibidad na ito na maipakita ang epektibong implementasyon ng mga inisyatiba para sa kapakinabangan ng kabataan.




