Parañaque Spill Way Project

Parangal sa Natatanging Kabataang Biñanense at Outstanding Sangguniang Kabataan Awards and Recognition (OSKAR) 2022
August 19, 2022
Pagpapasinaya ng Biñan City Science and Technoloy High School (BCSTHS) sa Silmer Village, Brgy. San Francisco
August 22, 2022
Parangal sa Natatanging Kabataang Biñanense at Outstanding Sangguniang Kabataan Awards and Recognition (OSKAR) 2022
August 19, 2022
Pagpapasinaya ng Biñan City Science and Technoloy High School (BCSTHS) sa Silmer Village, Brgy. San Francisco
August 22, 2022

Seryoso ang epekto ng pag apaw ng Laguna Lake sa Biñan tuwing may bagyo o matinding ulan bunsod ng habagat. Dekada na itong problema na kinalakihan na ng ating mga kababayan, lalo na sa mga taga Barangay Malaban at Barangay Dela Paz. Kaya naman noong nag imbita ng meeting ang DPHW at JICA tungkol sa presentation ng Parañaque Spill Way Project ay ating personal na dinaluhan ito kasama si Engr. Alintanahin ng Engineering Office ng Biñan. Mula sa event ng PinasLakas ng DOH sa Southwoods Mall ay dumerecho tayo sa Sta. Rosa upang lumahok sa meeting na ito.

The Parañaque Spill Way Project was introduced in the 1970’s during the time of President Ferdinand Marcos to mitigate the problem of flooding around the towns and cities that surround Laguna Lake. Unfortunately, the spillway project did not materialized . Ngayon ay muli itong pinag-aralan at planong ipagpatuloy na may mga pagbabago sa original na plano ng spillway.

Sa bagong plano ay malaking parte ng spillway ay magiging TUNNEL. Ang bunganga ng pasukan ng tubig mula sa lawa ay magsisimula sa Muntinlupa at tatagos sa Las Pinas, Paranaque, at lalabas sa Bacoor patungo sa Manila Bay. Ang tunnel system ay viable solution upang hindi maging problema ang LAND ACQUISITION sa mga lugar na dadaanan ng spillway project.

Kung ito ay matutuloy ay magiging malaki ang benepisyo nito sa Biñan. Inaasahan na maaiwasan na ang pagbaha o kung hindi man ay ang mabilis na pagbaba o pagkawala ng baha sa mga mababang lugar sa ating lungsod.

Hindi rin natin pinalagpas ang pagkakataon na iparating sa pagpupulong ang ating mga naiisip na mga paraan o maaring solusyon sa pag apaw ng Laguna Lake kagaya ng dredging o desilting ng lawa sa mga window period na hindi ito umaapaw.

Kasama natin sa pagpupulong ang mga kinatawan ng LGU ng San Pedro, Santa Rosa, Cabuyao at Calamba.