
DTI NC-PMO Monitoring Visit | Negosyo Center Biñan City
November 5, 2025
Sinalubong ni Mayor Gel Alonte at Vice Mayor Dada Reyes si Gov. Sol Aragones sa kanyang pagbisita sa isinasagawang dregding sa Brgy. Dela Paz ngayong araw, Nobyembre 17
November 17, 2025Pagbati sa Lungsod ng Biñan sa pagkamit nito ng Over-All 1st Runner-Up sa 2025 Philippine Model City Awards, at sa pag-uwi rin ng 1st Runner-Up na mga parangal para sa mga kategoryang Wealth Center, Tech Territory at Retirement Haven.
Ang mga pagkilalang ito mula sa The Manila Times ay patunay na ang patuloy na pagsulong ng Biñan ay nakaugat hindi lamang sa pamumuhunan, inobasyon at pagpapaunlad-komunidad, kundi lalo na sa malakas at masigasig na adbokasiya ng lungsod sa turismo at sa pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura. Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga pamana, pagpapalakas ng mga programang pagkomunidad, sining at pangkultura, at pagtataguyod ng mas makabuluhang karanasan para sa mga bisita at mamamayan, ang Biñan ay nagiging modelo ng isang makabago ngunit maka-kulturang lungsod na bukas, maunlad at patuloy na nagbibigay ng mas marami pang oportunidad para sa lahat.




