Nilagdaan ang “Kasunduan ng Pagkakaunawaan” kaugnay ng pagkakatatag ng San Antonians Teen Center sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Biñan sa pamumuno ni Mayor Gel Alonte

Management Committee Meeting | August 28, 2025

August 28, 2025

𝟭𝘀𝘁 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗚𝗲𝗹 𝗔𝗹𝗼𝗻𝘁𝗲 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿-𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗥𝗲𝘀𝗰𝘂𝗲 𝗢𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰𝘀 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗕𝗶ñ𝗮𝗻

August 29, 2025

Management Committee Meeting | August 28, 2025

August 28, 2025

𝟭𝘀𝘁 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗚𝗲𝗹 𝗔𝗹𝗼𝗻𝘁𝗲 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿-𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗥𝗲𝘀𝗰𝘂𝗲 𝗢𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰𝘀 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗕𝗶ñ𝗮𝗻

August 29, 2025

Nilagdaan ang “Kasunduan ng Pagkakaunawaan” kaugnay ng pagkakatatag ng San Antonians Teen Center sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Biñan sa pamumuno ni Mayor Gel Alonte, Komisyon sa Populasyon at Pagpapaunlad Rehiyon IV-A (CALABARZON) sa pangunguna ng Panrehiyong Direktor na si Gng. Marilyn F. Ogaya, MADem, Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Biñan sa pamumuno ni Gng. Lenie R. Bautista, Opisyal ng Operasyon ng Lokal na Pamahalaan noong Agosto 29.

Kasama rin sa mga lumagda ang Kagawaran ng Edukasyon ng Biñan sa pangunguna ng Tagapangalaga sa Tungkulin at Punong Tagapamahala ng Sangay ng mga Paaralan, Dr. Arlene S. Ricasata, CESO VI, ang kinatawan ng Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Biñan, sa pangunguna ni Bb. Mildred D. Diña, Principal II, at ang Tanggapan ng Populasyon ng Lungsod ng Biñan na pinamumunuan ni Atty. Nora E. Pangan.

Ito ay ginanap sa Biñan City Senior High School–San Antonio Capus, at layuning magbigay ng maayos at makabuluhang paghubog sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahang matutulungan ang mga mag-aaral na maging matatag, responsable, at may malasakit sa sarili at sa kapwa.

#TeenCenter

https://www.facebook.com/CIOBinan/posts/pfbid02WSVJxC44pRVAv3kRqjnuxTuGpxfcqJqfvjHE9AjrMMNeKrxYHHMxVc7ngbRXXy7yl