Muling binuksan ng Biñan LGU ang Balay Silangan Drug Reformation and Rehabilitation Center

Biñan LGU sumailalim sa SGLG National Validation
August 23, 2022
Selebrasyon ng ika-apat na Anibersaryo ng Bahay-Pagasa
August 31, 2022

BRGY. DELA PAZ – Muling binuksan ng Biñan LGU ang Balay Silangan Drug Reformation and Rehabilitation Center sa pangunguna ni Mayor Arman Dimaguila ngayong umaga. Ang Balay Silangan ay matatagpuan sa loob ng Biñan Organik Farm at pamamahalaan ng CSWDO, DILG, CHO 1, PNP, BJMP at iba pang miyembro ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC).

Matatandaang ang pasilidad na ito ay pinondohan mula sa 2018 Performance Challenge Fund (PCF) ng DILG nang masungkit ng lungsod ang Seal of Good Local Governance (SGLG) Award. | Agosto 31, 2022

#serbisyongarman

#tatakgel

#alaganglen

#biñancio