Nilagdaan ni Mayor Arman Dimaguila ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Biñan LGU at Philippine Dental Association-Laguna Chapter sa pangunguna ni Pres. Dr. Beverly Feniza ngayong umaga, Agosto 16, 2022. Ang MOU na ito ay para sa “Project Kadamay – Kalingang Dentista at Alaga sa may Kapansanan” na naglalayong isulong ang dental na kalusugan ng mga PWDs, guro, magulang at caregivers.