Liders ng Biñan, Hinandugan ng isang City Tour

Go Forward Pupils Graduated Pre-school
March 23, 2018
PNP Cascades Recovery and Wellness Program
March 27, 2018

Pinangunahan ng ating butihing Ama ng Lungsod, Mayor Arman Dimaguila, ang isang City Familiarization Tour kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at Department Heads sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng Biñan noong ika-26 ng Marso, 2018. Ilan sa mga ipinagmalaking proyekto ng ating Mayor ay ang Organik Farm sa Brgy. Dela Paz, mga tampok na santo at poon sa Old Municipall Hall, Garments Factory sa Brgy. Malamig at ang sariling bersiyon natin ng Material Recovery Facility sa Brgy. Timbao kung saan ginagawang mga bricks ang recyclable na basura. Ipinakita rin sa kanila ang malapit nang buksang Bahay Pag-asa sa Brgy. San Antonio. Inilibot rin ang grupo saLaguna Technopark at LIIP. Ito ay isinagawa upang maipakita ang best practices, pag-aralan at obserbahan ang mga nasabing proyekto sa lugar. Patunay ito na nagkakaisa ang mga lider na namumuno sa atin upang patuloy pang pagandahin at paunlarin ang bayan ng Biñan.more photos