
Pambansang Araw ng mga Bayani 2025
August 25, 2025
Culminating Activity ng National Nutrition Month 2025
August 27, 2025Isinagawa kahapon, Agosto ang ika-5 Nutrition Masterchef sa People’s Center na nilahukan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Biñan.
Layunin ng programa na ipakita ang husay, pagkamalikhain, at malasakit ng mga kalahok sa paghahanda ng masustansya at masarap na pagkain para sa mas malusog na pamumuhay.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Biñan City Nutrition Committee bilang bahagi ng mga aktibidad para sa Buwan ng Nutrisyon. Sa pamamagitan ng kompetisyong ito, naipapakita hindi lamang ang galing ng mga kalahok sa pagluluto kundi pati na rin ang kahalagahan ng nutrisyon para sa kalusugan ng bawat Biñanense.




