Ika-150 Taon Anibersaryo ng Pag-aaral ni Rizal sa Biñan

Pamaskong Handog – Brgy. Dela Paz
December 16, 2021
690 Seniors na Local Pensioners ng Biñan
December 17, 2021
Pamaskong Handog – Brgy. Dela Paz
December 16, 2021
690 Seniors na Local Pensioners ng Biñan
December 17, 2021

Ika-150 Taon Anibersaryo ng Pag-aaral ni Rizal sa Biñan ginugunita. Nagtitipon ngayong umaga ang mga lokal na pinuno sa Lungsod ng Biñan sa pangunguna ng ating Mayor Arman Dimaguila , Vice Mayor Gel Alonte at Deputy Speaker Len Alonte upang magbalik-tanaw sa ating nakaraan kung saan unang tumuntong ang batang Rizal sa Biñan upang mag-aral. Noon pa man hanggang ngayon ay nagmistulang kanlungan ng iba’t-ibang dalubhasaan ang ating Lungsod. Sa paggunita ngayong araw ng nasabing okasyon ay mapalad tayong makasama sa selebrasyon ang may akda ng batas para sa libreng matrikula sa kolehiyo, Sen. Jv Ejercito. Sa lahat ng nakiisa sa ating pagdiriwang at sa ating masipag na tagapamuno ng Biñan City History, Arts and Tourism Office (BCHATO), Dr. Bj Tandingco Borja ang aming mainit na pasasalamat. Bumagsak man ang mga dahon sa puno, alam namin na minsan kami’y parte ng isang puno.