PNP Cascades Recovery and Wellness Program
March 27, 2018
Graduation Day 04.02.18
April 2, 2018

Siyam (9) na natatanging nanay mula sa 4Ps ang hinandugan ng libreng make-over at pampering noong nakaraang March 22-26, 2018 sa lungsod ng Biñan. Noong ika-27 ng Marso, ginanap ang ‘Huwarang Nanay’ Culminating Activity sa Splash Island kung saan binigyan ang mga nanay ng bagong jeans at T-shirt, upang magsaya at maglibang kasama ang kani-kanilang pamilya. Ilan sa mga napiling nanay ay solo parent, tricycle driver, nagtitinda sa palengke, tutor, labandera, mananahi, nangongolekta ng basura, barangay volunteer at nag-aalaga ng kaniyang mga apo. Sila’y nabibilang sa mahihirap na mamamayan at miyembro ng 4Ps na pinili n gating CSWD at dumaan sa masusing interview. Magiging kinatawan sila ng lungsod sa mga proyekto at programa para sa mga kababaihan at solo parents. Ang naturang programa ay pinangunahan ng Gender and Development Office sa pamumuno ni Mrs. Lourdes Dimaguila, kaisa ang City Government of Biñan sa pamumuno ni Mayor Arman Dimaguila.more photos