Biñan LGU nagkamit ng ika-apat na Seal of Good Local Governance Award

Congratulations City of Biñan for bagging the 2022 National ADAC Performance Award!
December 13, 2022
Biñan LGU Business One Stop Shop (BOSS)
January 4, 2023
Congratulations City of Biñan for bagging the 2022 National ADAC Performance Award!
December 13, 2022
Biñan LGU Business One Stop Shop (BOSS)
January 4, 2023

Muli pong nagawaran ng Seal of Good Local Governance sa ika-apat na pagkakataon ang ating mahal na Biñan! To God be the glory!

Ang Seal of Local Governance ay isang prestihiyosong parangal na ginagawad ng DILG sa mga natatanging local government unit sa buong Pilipinas na pumasa sa assessment and validation sa area ng:

– Financial Administration and Sustainability

Disaster Preparedness

– Social Protection and Sensitivity

– Health Compliance and Responsiveness

– Sustainable Education

– Business-Friendliness and Competitiveness

– Safety, Peace and Order

– Environmental Management

– Tourism, Heritage Development

– Youth Development

Ang parangal na ito ay may kasamang 7,000,000 Pesos incentive fund na maaring gamitin ng LGU sa mga proyekto nito. Ang mga nakaraang SGLG Incentive fund na natanggap ng ating lungsod ay ginamit sa pag bili ng Biñan PNP mobile cars, Biñan PNP SWAT vehicle, construction of Balay Silangan, at 2 CSWD (Balay Silangan and Bahay Pagasa) multi-purpose vans.

Ang parangal ay tinanggap ng inyong lingkod, Mayor Atty. Arman Dimaguila, Congresswoman Len Alonte, Vice Mayor Gel Alonte, at Ms. Fatima Alon ng DILG Biñan. Dinaluhan rin ng ating mga city councilors at department heads ang awarding ceremony.