
𝟭𝘀𝘁 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗚𝗲𝗹 𝗔𝗹𝗼𝗻𝘁𝗲 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿-𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗥𝗲𝘀𝗰𝘂𝗲 𝗢𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰𝘀 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗕𝗶ñ𝗮𝗻
August 29, 2025
𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗚𝗲𝗹 𝗹𝗲𝗮𝗱𝘀 𝗴𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱𝗯𝗿𝗲𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗰𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 𝗼𝗳 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮 𝗔𝗴𝗶𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝘂𝗿𝗻𝗼𝘃𝗲𝗿 𝗼𝗳 𝗸𝗲𝘆𝘀
September 3, 2025Nilagdaan ni Mayor GEL Alonte, kasama sina Atty. Nora Pangan, Acting City Population Officer, at Gng. Marilyn Ogaya, MADem, Regional Director ng Commission on Population and Development (CPD) CALABARZON, ang Memorandum of Understanding (MOU) para sa lokal na pagpapatupad at institusyonalisasyon ng Philippine Population and Development Plan of Action 2023–2028 nitong Agosto 29.
Sa pamamagitan ng nasabing MOU, inaasahang magiging mas matibay ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa CPD upang maisulong ang mga programang nakatuon sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at pag-unlad ng pamilya.
Layunin ng kasunduang ito na tiyakin ang mas organisado at epektibong implementasyon ng mga programa at polisiya kaugnay ng populasyon at kaunlaran sa lungsod ng Biñan.




