1st Mayor Arman Dimaguila Jr. Brgy Fire Olympics ‘2017
March 17, 2017Awarding of Wheelchairs to PWDs
March 22, 2017Ang Pamahalaang Lungsod ng Biñan ay malugod na bumabati at nagpapasalamat sa lahat ng lumahok sa katatapos pa lamang na Barangay Fire Olympics, noong nakaraang biyernes, dahil sa kanilang bilis at team work na ipinamalas ang “over all champion” ngayon taon 2017 ay ang BARANGAY DELA PAZ, Personal na binati at binigyan ng ating butihing Punong Lungsod Atty. Walfredo R. Dimaguila, Jr. ng limampung libong piso (P50,000) at tropeo ang Barangay Dela Paz fire volunteers at ang iba pang mga barangay na panalo rin sa nasabing kompitisyon kaninang umaga pagkatapos ng flag raising ceremony ng mga kawani ng gobyerno. Meron mga nadulas at bahagyang nasaktan, meron din naman mga nagsisisihan dahil nagkamali at meron din napaiyak dahil sa hindi nanalo subalit ang pinaka-mahalaga sa lahat, dito natin makikita na ang bolunterismo at pagtutulungan sa Lungsod ng Biñan ay buhay na buhay pa! at handang gumanap sa anumang sakuna, para sa bayan at para sa kapwa Binanense, anumang oras kung kina-kailangan sila po ay maaasahan. Mabuhay po Kayo! RESULTA NG KOMPETISYON; OVER ALL CHAMPION – BARANGAY DELA PAZ = P 50,000.00 1st Runner Up – Barangay Langkiwa = P 35,000.00 2nd Runner Up – Barangay San Francisco = P 25,000.00 3rd Runner Up – Barangay Mamplasan = P 15,000.00 4th Runner Up – Barangay Casile = P 10,000.00 EVENT 1: “Hose Laying and Replacement of Busted Hose” 1st Place – Barangay Dela Paz 2nd Place – Barangay Langkiwa 3rd Place – Barangay Timbao EVENT 2: “Bucket Relay” 1st Place – Barangay Langkiwa 2nd Place – Barangay San Francisco 3rd Place – Barangay Mamplasan EVENT 3: “Flammable Liquid Fire Extinguishment” 1st Place – Barangay Casile 2nd Place – Barangay San Jose 3rd Place – Barangay San Francisco Best Muse – Ms. Aliyah Diaz ng Brgy. Casile = P 5,000.00 Best in Uniform – Brgy. Sto.Domingo = P 5,000.00more photos