Dinaluhan nina Mayor Arman Dimaguila at Vice Mayor Gel Alonte ang blessing at turnover ng apat na mga bagong ambulansya na hatid ni Deputy Speaker Len Alonte para sa mga Biñanense. Sinaksihan din ang okasyon ng mga representante mula sa CHO, NDRRMC, BCHATO, ONB, ABC president Rodolfo Montanez at Mr. Willy Teeten, President ng Marketing and Creatives Autohub Group of Companies.Ang mga ambulansyang ito ay malaking tulong upang makapaghatid ng agarang serbisyo at tugon sa mga nangangailangan ng atensyong medikal lalo pa sa panahon ng pandemya.