1st Serbisyong Arman Parangal Para sa mga Day Care Workers

Unveiling and Blessing of BNHS Annex
June 27, 2017
SIPAG MOA Signing “Drug Free Home for a Drug Free Biñan City”
June 27, 2017
Unveiling and Blessing of BNHS Annex
June 27, 2017
SIPAG MOA Signing “Drug Free Home for a Drug Free Biñan City”
June 27, 2017

Idinaos ang kauna-unahang Parangal Para sa mga Day Care Workers noong June 27, 2017 sa 3rd Floor People’s Center, Brgy. Zapote, Biñan City, Laguna na pinangunahan ni Mayor Walfredo “Arman” Dimaguila, Jr., at ng City Social Welfare and Development (CSWD). Dumalo rin sa naturang parangal sina Gng. Lourdes Dimaguila, Konsehal Jay Souza, Gener Romantigue, Liza Cardeño, Jigcy Pecaña at Echit Desuasido. “Ako po’y nagpapasalamat sa inyo. Hindi ko mapapantayan ang sipag at tiyaga ninyo dahil hindi lahat ng tao ay may kakayanang magturo sa mga bata,” ani ni Mayor Arman. Layunin ng programang ito na parangalan ang mga natatanging Day Care Workers sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ng Biñan. Nagkaroon din ng munting presentasyon ang mga workers kasabay ng pagpaparangal sa mga lumahok sa Art Contest at Storytelling Contest. “You (Day Care Workers) will undergo rigorous training at lahat ng kakailanganin ninyong gamit sa pagtuturo ay ibibigay ng pamahalaang lungsod ng Biñan,” sabi ni Mayor Arman. Nilalayon ng pamahalaan na mapalitan ang mga Day Care Center ng Early Childhood Care and Development Center kung saan mas matutugunan ang nutrisyon, pormasyon, edukasyon at pangagailangan ng mga mag-aaral pati na rin ng mga workers. Sa katunayan, ipapatayo na ang Pilot Center sa Brgy. Malaban at inaasahan na lahat ng barangay ay mapatayuan nito sa taong 2018.more photos