1st Mayor Arman Dimaguila Jr. Brgy Fire Olympics ‘2017

LIBRENG MEDIKAL, DENTAL AT LIBRENG GAMOT SA ONB
March 14, 2017
Barangay Dela Paz…Kampeon!
March 20, 2017
LIBRENG MEDIKAL, DENTAL AT LIBRENG GAMOT SA ONB
March 14, 2017
Barangay Dela Paz…Kampeon!
March 20, 2017

Ika-17 ng Marso taong 2017, Biyernes Sa Lungsod ng Biñan, sa harapan ng simbahan ng San Isidro Labrador malapit sa monumento ng ating Bayaning si Dr. Jose P. Rizal ay isinagawa ang “Brgy. Fire Olympics” sa Plaza, Brgy. Poblacion, na dinaluhan ng mga “barangay fire volunteers” na galing sa kani-kanilang barangay, naging makulay ang nasabing kompitisyon bukod kasi sa maganda at maayos na uniporme ng bawat kasaling barangay kabahagi ang kanilang mga Muse na nagpatingkad pa lalo ng kompitisyon. Pinangunahan nina Punong Lungsod Atty.Walfredo R. Dimaguila, Jr. at Pangalawang Punong Lungsod Angelo B. Alonte, at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod na sina Kgg.Liza L. Cardeño, Kgg. Flaviano D. Pecaña, Jr., Kgg. Alvin C. Garcia, Kgg. Gener Romantigue, Kgg. Alexis Desuasido at Kgg. Jayson A. Souza at ang kasalukuyang ABC President Kgg. Rommel Dicdican ng Brgy. Mamplasan. Si Ginang Marie R. Bonaqua pinuno ng CDRRMO ay naroon din sa pagtitipon. At,pinangasiwaan naman ng ating Biñan Fire Protection (BFP) sa pamumuno ni BFP Sr. Inspector Jeffrey M. Atienza, acting Biñan City Fire Marshal kasama din sila FSSUPT. Sergio M. Soriano, Jr.- Regional Director, R4A BFP, FSUPT. RIZALDE M. CASTRO – Provincial Director, Laguna BFP, FSI Nonilon L. Macasadia II, acting City Fire Marshall, San Pablo City at SF03 Eduardo B. Mesa, Deputy City Fire Marshal Biñan City. Meron mga nadulas at bahagyang nasaktan, meron din naman mga nagsisisihan dahil nagkamali at meron din napaiyak dahil sa hindi nanalo subalit ang pinaka-mahalaga sa lahat, dito natin makikita na ang bolunterismo at pagtutulungan sa Lungsod ng Biñan ay buhay na buhay pa! at handang gumanap sa anumang sakuna, para sa bayan at para sa kapwa Binanense, anumang oras kung kina-kailangan. MABUHAY PO KAYO!more photos