
Pambansang Panandang Pangkasaysayan para kay Cayo Alzona
August 26, 2026
Mega Job Fair 2026
August 28, 2026Iginawad ang dalawang 2026 NJLA LGU Champion Award sa Lungsod ng Biรฑan bilang pagkilala sa natatanging pagtataguyod nito sa mga gawaing may kaugnayan sa panitikan at kultura ngayong Agosto 27.
Tinanggap nina Atty. VJ Pedron, kinatawan ni Mayor Gel Alonte, at Vice Mayor Dada Reyes ang mga parangal sa ginanap na seremonya sa Luxent Hotel, Quezon City.
Ang 2026 Nick Joaquin Literary Awards (NJLA) ay ipinangalan kay Nick Joaquin, isa sa mga kinikilalang manunulat at Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan ng Pilipinas. Kinikilala ng mga parangal ang mga natatanging ambag sa panitikan, pagsusulat, pagpapaunlad ng kultura, at literasiya.




