๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป: ๐—–๐—ฌ๐—ฆ๐——๐—ข ๐—”๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฌ๐—”๐—ฆ๐——๐—ข ๐—•๐—ถรฑ๐—ฎ๐—ป

16th Atty. Arman R. Dimaguila, Jr. Inter-High School Debate Championship
August 15, 2025
FLAG RAISING CEREMONY | Agosto 18, 2025
August 18, 2025
16th Atty. Arman R. Dimaguila, Jr. Inter-High School Debate Championship
August 15, 2025
FLAG RAISING CEREMONY | Agosto 18, 2025
August 18, 2025

Agosto 17, 2025

Isang makabuluhang benchmarking activity ang isinagawa ng City Youth and Sports Development Office (CYSDO) ng Alaminos City, Pangasinan sa pakikipag-ugnayan sa Biรฑan City Youth and Sports Development Office (YASDO).

Sa pagbisitang ito, ipinakilala ng YASDO ang kanilang flagship programs at innovations sa youth development work, na pinangunahan ni G. Mc Larnel R. Aliluran, Officer-in-Charge at Youth Development Officer IV ng YASDO, sa pamamagitan ng presentasyon ng mga best practices ng lungsod. Bukod dito, ipinasilip din ng YASDO ang ibaโ€™t ibang youth development facilities kung saan isinasagawa ang mga proyekto at inisyatiba upang hubugin ang talento, kakayahan, at kahusayan ng mga kabataang Biรฑanense.

Lubos namang ipinahayag ng Alaminos City CYSDO ang kanilang paghanga at inspirasyon mula sa mga programa, pasilidad, at insentibong nakatuon sa pagpapaunlad ng kabataan at palakasan sa Lungsod ng Biรฑan. Naniniwala sila na ang pagbabahaginan ng kaalaman at karanasan ay magsisilbing mahalagang hakbang upang higit pang mapalakas ang kanilang youth and sports development thrusts at athletic excellence.

Sama-sama para sa kabataan, sama-sama para sa bayan!

#YASDOatWork

#BacktoBackNationalOutstandingLYDO

#ISOCertified

https://www.facebook.com/CIOBinan/posts/pfbid035CW9VWPbFvcDoGps3u69DJB8etw1bvWYyJCnuoHkwbAkuWxRVPbPSZta3VzQoHLYl