
FLAG RAISING CEREMONY | June 16, 2025
June 16, 2025
PESO awards barangays in Biรฑan
June 16, 2025Binisita ni Department of Education Secretary Sonny Angara ang Biรฑan Secondary School of Applied Academics ngayong Hunyo 16, unang araw ng pagbabalik-eskwela.
Sinalubong siya nina Congresswoman Len Alonte, Mayor Arman Dimaguila, at Vice Mayor Gel Alonte, kasama si City Education Officer, Dr. Edmil Recibe, mga opisyal mula sa Department of Education (DepEd) at mga guro ng paaralan.
Sa isinagawang forum, ibinahagi ni Secretary Angara ang ilang mahahalagang hakbangin ng kagawaran upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Isa sa mga ito ang pagdaragdag ng bagong teaching at administrative officer items upang mapalakas ang suporta sa mga paaralan. Dagdag pa niya, pinaikli na rin ang proseso ng promosyon para sa mga guro upang mas mabilis ang kanilang career growth sa serbisyo.
Sa konsultasyong ginawa sa harap ng mga guro at kinatawan ng General Parents and Teachers Association (GPTA), tiniyak ni Angara na makikinig ang DepEd sa mga hinaing ng mga guro at magulang upang maisulong ang mas inklusibo at makabuluhang edukasyon, katulong ang LGU.




