๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐Ÿฑ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ง๐—ข๐——๐—” ๐—บ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐˜€๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐˜† ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ถรฑ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐—š๐—จ

Isinagawa ang paglagda ng MOA sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Biรฑan, sa pangunguna ni Mayor Gel Alonte, at Celestine Medical Services, Inc. (Perpetual Help Medical Center), at San Pedro Doctors Hospital, Inc.

March 30, 2026

Dumalo ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Biรฑan sa isinagawang Basic Incident Command System (BICS) ng Laguna Provincial DRRMO at Office of Civil Defense

April 6, 2026

5,489 na miyembro at opisyal ng Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) ang inisyal na nakatanggap ng tig-P1,000 fuel subsidy assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Biรฑan sa isang programa na ginanap sa Biรฑan Football Stadium ngayong Abril 1.

Isinagawa ang pamamahagi alinsunod sa Executive Order No. 15, s. 2026 na nilagdaan ni Mayor Gel Alonte. Ito ay naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga TODA sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin. Ang naturang hakbang ay bahagi rin ng pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa mga polisiya at inisyatiba ng pambansang pamahalaan.

Pinagtibay ang implementasyon ng nasabing programa sa pamamagitan ng isang resolusyonโ€”Resolution No. 37 (2026)โ€”ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Dada Reyes, na nagbigay kapangyarihan kay Mayor Alonte na ipatupad ang fuel subsidy assistance para sa mga TODA.

Ang agarang pagtugon na ito ng pamahalaang lungsod ay isang hakbang upang maibsan ang epekto ng tumataas na gastusin, higit lalo ng mga tricycle driver at operatorโ€”isang sektor na lubos na naaapektuhan ng krisis sa langis.

#CityofLife

https://www.facebook.com/CIOBinan/posts/pfbid0jkNyhCQLu3e5xx3DTjSziVAkseQdpqBWwue6CgNRUWTDTpvV7hX9fgn8hNZ4xyy2l