
Nagsagawa ng kanilang benchmarking activity ang Pambansang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan (PPSK) ng bayan ng Bobon, Northern Samar
August 13, 2025
KADIWA NG PANGULO | Agosto 15
August 15, 2025Nagsagawa ng pulong ang City Information Office (CIO), kasama si Mayor Gel Alonte, at ang mga Barangay Information Officer (BIO) sa Conference Room ng Biรฑan City Hall ngayong umaga, Agosto 15.
Tinalakay sa pulong ang mahahalagang tungkulin at responsibilidad ng mga BIO sa kani-kanilang barangay, kabilang na ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko, at pagtulong sa kampanya ng pamahalaang lungsod.
Bukod dito, inanunsyo rin ang nalalapit na workshop para sa mga BIO na nakatakdang isagawa ngayong darating na Setyembre. Layunin ng naturang aktibidad na palalimin pa ang kaalaman ng mga BIO sa larangan ng komunikasyon, social media management, at community engagement.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang mas lalong magiging epektibo at makabuluhan ang serbisyo ng mga Barangay Information Officer.




