MALAKING SUNOG! SA FLORANTE, BRGY. POBLACION

Asia’s Songbird Kicks- off Puto Latik Festival
May 7, 2017
Blessings for New Beginnings
May 10, 2017

May 09, 2017. Sa lakas ng naging sunog sa Florante, Brgy.Poblacion kaninang tanghali humigit kumulang sa isang daang (100) pamilya ang apektado at hindi baba sa limampung (50) bahay ang natupok ng nasabing sunog, ito po ay ayon sa pinuno ng Biñan City Social Welfare Dev’t, Ms. Rhodora C. Pascual na bagong talaga. Mabilis na nakarating ang mga pamatay sunog ng ating lungsod, subalit sa sikip ng kalsada, makipot na daan ng mga looban, at maraming bahay na gawa sa mga light materials na nakatirik sa bandang dulo malapit na sa ilog ng nasabing lugar ay nagresulta ng mabilis at malakas na apoy nito, Totoong nahirapan ang ating mga Biñan Bureau of Fire Protection (BFP), C3/Command Center, Brgy. Fire Brigade, at Mga Fire volunteers/ Fire Auxillary ng ating Lungsod. Nakarating din po ang mga pamatay sunog ng ibat-ibang kalapit lungsod at bayan tulad ng San Pedro, Sta.Rosa, Cabuyao, Calamba, Los Baños, Bae ng Laguna at Carmona Cavite. Taos Puso po kaming nagpapasalamat sa inyong pagdamay sa aming Lungsod. Pina-ngunahan nina Punong lungsod Atty. Arman Dimaguila, Jr. at Pangalawang Punong Lungsod Gel Alonte,ay naroroon sa mismong lugar ng sunog, kasama ang mga miyembro ng sangguniang panglungsod, sila po ang nauna at katuwang ng CSWD, mga Barangay Opisyal, Volunteers, City Marshals at P.O.S.O. na nag-aasikaso kanina sa ating mga kababayan na mga nasunugan. Agarang Pinag-utos ng ating City Mayor Arman sa lahat ng tanggapan ng ating Lungsod, na mabilis na isaayos ang mga bagay na pwedeng makatulong sa lahat ng mga nasunugan katulad ng pagkain at tubig, damit, banig at kumot atbp,at ihanap ng mga lugar na kung saan maka-kapagpahinga ng maayos ang ating mga kababayan na nasunugan. SA LAHAT PO NG NAIS MAGBIGAY NG TULONG DALHIN PO SA TANGGAPAN NG ATING PUNONG LUNGSOD, PANGALAWANG PUNONG LUNGSOD AT SA CITY SOCIAL WELFARE DEVELOPMENT OFFICE NA MATATAGPUAN SA ATING CITYHALL. O TUMAWAG SA MGA NUMERONG ITO: MAYORS OFFICE NO. (049) 513-5001/5002 VICE MAYORS OFFICE (049) 513-5006/5007 CSWD NO. (049) 513-5041 PUBLIC INFORMATION OFFICE (049) 513-5028/5029more photos

Comments are closed.